Digmaan
Digmaan. Ano nga ba ang digmaan? Ito ba ang solusyon o ito ang problema? Napakaraming hindi pagkakaunawaan na dapat ay idinadaan sa maayos usapan ngunit sa huli ay napupunta lamang sa digmaan.
Una, Aming sisimulan sa pinakadahilan. Dahilan kung bakit nga ba nauso ang gyera't digmaan. Sa mundo ngayon, normal na naman ang hindi pagkakaunawaan. Hindi pagkakaintindihan na hindi rin naman nararapat na pabayaan.
Yan ang puntong tutungo sa pangalawa, ang epekto. Pagkatapos ng dahilan ano naman ba ang epekto nito? Nagkakaunawaan na ba ang mga tao? Nareresolba na ba ang mga isyu? Umuunlad ba ang mga bayang nakasangkot dito? Hindi ba't hindi? Dahil wala na namang ibang layon ang digmaan kundi ang malaman kung sino ang tama at sinong mali. Ngunit hindi niyo ba napapagtanto, na kahit pa malaman kung sino ba talaga ang tama at sino ba talaga ang mali, sa pinakadulo, pare-pareho lang din naman tayong mga talo.
Kaya't eto pangatlo, pagkatapos ng dahilan at epekto ano nga bang susunod rito? Bago tumungo sa wakas nais lamang ipaalam ang mensaheng aming ipinaabot. Na sana sa susunod na may matagpuang mali, E huwag na itong itama pa ng isa pang mali. Na sana sa susunod na may problema, E wag na ito solusyonan ng isa pang problema. Laging tatandaan na problema nati'y hindi magbabago, kung hindi natin babaguhin ang ating tungo paparito.
Digmaan? Puro kaguluhan kahit kailan ay hindi naging tamang paraan.
Ang solusyon? Simple lang. Ito ay nasa atin. Hindi nabibili. Hindi kailangan ng pera upang maging satin. Malaki ang halaga nito. Ano nga ba ang tinutukoy ko? Simple. Pagmamahalan at malawak na paguunawa sa isa't isa. Dahil sa paraan na ito, makakamit natin ang kapayapaan at katahimikang ating inaasam.
Medina-Novero-Almalbis-Soquila-Sarmiento-Suarez
Medina-Novero-Almalbis-Soquila-Sarmiento-Suarez
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahinMahusay sa paggamit ng wikang Filipino. Organisado ang mga pangungusap sa bawat talata. Malinaw ang nais na ipabatid sa mga mambabasa. Matagumpay na naisakatuparan ang IP. Pagbati mula sa inyong guro!
TumugonBurahinP.S Walang English Translation. Asahan ang pagbawas ng puntos.
Organisasyon - 9
Mensahe - 5
Komunikatibong kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino - 5
Pagpapahalaga - 5
Pakikilahok ng bawat indibidwal - 4