Mga Post

Digmaan

Digmaan. Ano nga ba ang digmaan? Ito ba ang solusyon o ito ang problema? Napakaraming hindi pagkakaunawaan na dapat ay idinadaan sa maayos usapan ngunit sa huli ay napupunta lamang sa digmaan. Una, Aming sisimulan sa pinakadahilan. Dahilan kung bakit nga ba nauso ang gyera't digmaan. Sa mundo ngayon, normal na naman ang hindi pagkakaunawaan. Hindi pagkakaintindihan na hindi rin naman nararapat na pabayaan. Yan ang puntong tutungo sa pangalawa, ang epekto. Pagkatapos ng dahilan ano naman ba ang epekto nito? Nagkakaunawaan na ba ang mga tao? Nareresolba na ba ang mga isyu? Umuunlad ba ang mga bayang nakasangkot dito? Hindi ba't hindi? Dahil wala na namang ibang layon ang digmaan kundi ang malaman kung sino ang tama at sinong mali. Ngunit hindi niyo ba napapagtanto, na kahit pa malaman kung sino ba talaga ang tama at sino ba talaga ang mali, sa pinakadulo, pare-pareho lang din naman tayong mga talo. Kaya't eto pangatlo, pagkatapos ng dahilan at epekto ano nga bang susunod...